Sayawan niratrat, 2 todas, 8 sugatan

TUMIMBUWANG ang dalawa katao, habang walo ang sugatan makaraang ratratin ang isang sayawan sa Bgy. Kapitan Ramon, Silay City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga namatay na sina Richard Centina at Sonny Boy Tongcua, pawang nakipiyesta lamang sa lugar.

Sa imbestigasyon, nag-ugat ang krimen nang magtalo ang namatay na si Centina at isang Ryan Layo na sinasabing kasapi ng RPA-ABB hanggang sa magkabarilan.

Sugatan naman sa insidente sina Matt Dervin Basera, Legerio at Mark Guardiano, Joel Maingi, Herman dela Cruz, Johnny Lima, Dlaton Mayo Alvarez at Marcelo Gonzales Pineda.

Pinaghahanap na ang suspek na si Layo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply