SC, Rustan’s officials ipinatatawag sa impeachment trial

BILANG paghahanda sa susunod na lilitising artikulo, maagang ipinatawag ng House prosecution panel ang anim na testigo upang magpatunay hinggil sa sinasabing paglulustay ni Chief Justice Renato Corona sa pondo ng Judicial Development Fund (JDF).

“Respondent (Corona) reportedly dipped his hands into public funds to finance personal expenses. Numerous personal expenses that have nothing to do with the discharge of his official function, such as lavish lunches and dinners, personal travels, and vacations, and fetes and parties, have reportedly been charged by the Respondent  to judicial funds,” ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas.

Kabilang sa ipinatatawag ng House prosecution ang mga sumusunod na opisyal:

1. Atty. Gorgonio B. Elarmo jr., chief of staff/chief justice staff head, Supreme Court;
2. Michelle M. Mangubat, special disbursing officer, SC;
3. Corazon G. Ferrer-Flores, deputy clerk of court and chief of Fiscal Management Bureau Office, SC;
4. An authorized officer of Rustan’s Commercial Corporation;
5. The owner/manager of Design Exchange International;
6. The Resident Auditor of the Supreme Court.

Sinabi ni Tupas, na kailangan tumestigo si Elarmo sa impeachment court upang patotohanan ang authorization letter ni Corona na may petsang Nobyembre 23, 2010 na binibigyang ng kapangyarihan si Mangubat upang humawak ng cash advance sa halagang P100,000 upang bumili ng regalong pamasko ni Corona.

Tatanungin din ng prosecution si Mangubat upang patunayan ang ilang dokumento tulad ng official receipts, disbursement voucher sa pagkain at personal expenses ni Corona na kinuha sa pondo ng Supreme Court.

Pinatetestigo din si Flores upang patunayan ang memorandum kay Corona na may petsang July 16, 2010 sa Proposed Augmentation of Gasoline Expense Allowance.

Ipinatawag din ang opisyal ng Rustan’s at Design Exchange upang tumestigo sa ilang pagbili na isinagawa ni Corona at asawa nitong si Cristina sa iba’t ibang petsa at halaga.

Patutunayan naman ng isang COA auditor ang katotohanan sa dokumento na inilista ng prosekusyon at dalhin ang mga orihinal na kopya ng purchase request, purchase orders, canvass abstract at iba pang supporting documents sa liquidation ng ipinambili ng regalo at iba pang paglulustay ni Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply