Sec. Conejos permanent representative ng WTO

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Foreign Affairs Undersecretary Esteban Conejos bilang bagong permanent representative ng World Trade Organization (WTO).

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte na si Conejos ay may ranggong Chief of Mission, Class 1.

Si Conejos ay kasalukuyang DFA undersecretary for migrant affairs na nakatutok sa mga kababayang nahaharap sa mga problema o krisis sa ibang bansa.

Nakilala si Conejos sa pag-handle sa krisis sa Iraq kung saan dinukot ang kababayang sina Angelo dela Cruz at Roberto Tarongoy sa Afghanistan.

Bukod kay Conejos, inanunsyo rin ng Palasyo ang appointment ni Ericson Alarva Alcovendaz bilang acting assistant commissioner sa Bureau of Customs (BoC).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply