SEC director isinalang sa witness stand

SA WAKAS naisalang na rin sa witness stand si Securities and Exchange Commission Director Benito Cataran.

Kahapon (Martes, Enero 31) pa sana dapat naisalang ang naturang SEC official.

Si Rep. Reynaldo Umali ang nanguna sa pagtatanong kay Cataran, na tetestigo sa umano’y P11-milyon cash advance ni Chief Justice Renato Corona sa kompanya na pag-aari ng pamilya ng kanyang asawang si Cristina.

Batay sa statement of assets, liabilities and net worth ni Corona noong 2003 ay nag-cash advance ng halagang P11 milyon ang punong mahistrado mula sa Basa-Guidote Enterprises, Inc. Ito ay nakasaad sa liabilities ng punong mahistrado.

Nakasaad sa SALN ni Corona na sa succeeding na taon hanggang 2009 ay mapapansin na bumaba ang liabilities nito: P10 milyon noong 2005; P8 milyon noong 2006; P6.5 milyon noong 2007;  P5 milyon noong 2008 at P3 milyon na lang noong 2009.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply