Sekyu nahulog mula 4th floor, todas

INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Manila Police District ang pagkamatay ng isang security gurad na sinasabing nahulog sa mula sa ika-apat na palapag ng gusali kaninang madaling araw sa Pedro Gil, Maynila.

Kinilala ni P/Supt. Joey de Ocampo, hepe ng MPD-Homicide Section, ang biktima na si  Felix Degino, 56.

Sa imbestigasyon ng pulisya, si Degino ay nahulog mula sa ika-apat na palapag ng gusali ng Tetra Global Building na matatagpuan sa panulukan ng Vasquez at Pedro Gil Street sa Maynila.

Nauna rito, nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa kanilang kasamahang guwardiya nang mahulog ito sa nasabing palapag ng gusali.

Gayunman, tinitingnan pa rin ng pulisya kung may naganap na foul play. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply