Sekyu ng public school pinasasahod ng pupils (2)

INAMIN ng Principal na nangongolekta  sila ng P15.00 sa mga estudyante buwan-buwan.

Ngunit sinabi nito na  hindi sila ang may kagustuhang kumuha ng guard kundi  ang mga magulang din at sa katunayan umano ay mga  opisyal ng PTA ang nangongolekta sa mga estudyante.

Sinabi rin ng principal na  sa katunayan ay hindi pa sumusuweldo ang kanilang guard dahil hindi raw makapangolekta ang PTA sa mga estudyante magmula pa noong buwan ng Enero.

Sinasabing napagkasunduan umano ang pangongolekta ng nasabing halaga sa mga estudyante sa naganap na general PTA meeting noong kasisimula pa lang ng klase.

Kaya naman pala hindi na nagpapapasok ang guard sa loob ng paaralan kapag ang estudyante ay nasa labas na ng gate kahit  gustong gusto na nitong mag  CR  o uminom ng tubig.

Kapag may estudyanteng gustong pumasok muli sa loob ay pinagbabawalan daw ito ng guard at sinasabing hindi ka pa bayad sa guwardya kaya hindi ka puwedeng pumasok.

Wow, ang bigat din nitong sekyu  na ito, astig talaga.

Sabagay hindi ko rin masisisi ang guwardya  dahil puwede ring utos ito ng mga
guro ng Malaya Elementary School.

Ano kaya ang masasabi dito ni  Department of  Education Secretary Armin Luistro?

Sir, pakiimbestigahan lang po ito.

Bukas po ang Lily’s Files column natin para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento. Mag-text lang po sa 09155683000  o kaya ay mag-email sa lily_reyes-13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply