Sekyu ng public school pinasasahod ng pupils
MUKHANG may naaamoy akong hindi maganda sa pamamalakad ng mga namumuno ng Malaya Elementary School na nasa Barangay Malaya sa Quezon City.
Sa nakarating na sumbong sa Lily’s Files ng ilang magulang ng mga nag-aaral dito, inoobliga raw silang magbayad ng P15.00 sa isang buwan para sa suweldo ng security guard ng nasabing paaralan.
Kung 500 ang estudyante ng paaralang ito ay nangangahulugang sumu-suweldo ang kanilang guard ng P7,500 sa isang buwan sa tig-P15.00.
Paano kung mahigit sa 500 ang estudyante?
Hindi ba mahigpit na ipinagbawal ng Department of Education o DepEd ang pangongolekta ng pera sa mga estudyante?
Eh bakit ang Malaya Elementary School ay malayang nakapangongolekta ng P15.00 kada buwan sa kanilang mga estudyante?
Hindi lang ito ang kinokolekta ng mga guro.
Marami pa ngunit hindi na dinetalye ng mga magulang kung ano-ano ang mga ito.
Sa tingin kaya ng mga guro rito, ang kanilang kinuhang guard ay kayang magtanggol ng kanilang mga estudyante o baka puro porma lang na pag may dumating na problema ay mauuna pang magtago o tumakbo kaysa sa mga bata.
Kung ilang ulit akong nagtungo sa tanggapan ng Principal ngunit parating wala ito kung kaya sinubukan kong tawagan sa telepono at salamat naman at pinaunlakan tayong makausap ito.
Bagama’t kinausap ang inyong lingkod sa pamamagitan ng telepono ay nakiusap naman ang Principal ng Malaya Elementary School na huwag na raw banggitin pa ang kanyang pangalan at ito po ang ating gagawin.
Inamin ng Principal na nangongolekta sila ng P15.00 sa mga estudyante buwan buwan. (ITUTULOY)
You must be logged in to post a comment Login