Selebrasyon ng Edsa People Power plantsado na

HANDANG-HANDA na ang lahat para sa selebrasyon ng Edsa People Power Revolution. Ito ang ipinahayag ng EDSA People Power Commission (EPPC) ngayon.

Ayon kay EPPC chief Celso Santiago, nagsagawa sila ng rehearsal para sa selebrasyon ng ika-26 na anibersaryo ng People Power mula sa pagtataas ng bandila ng Pilipinas hanggang sa tradisyunal na salubungan.

Tampok sa nasabing selebrasyon ang mga awiting “Magkaisa” at “Bayan ko” ni Freddie Aguilar na siyang kinanta noon ng mga lumahok sa nasabing historical event.

Inaabisuhan rin umano nila ang mga motorista na iwasan muna ang northbound lane ng Edsa partikular sa tapat ng People Power Monument upang makaiwas sa traffic.

Mahigit P5 milyon ang inilaang pondo para sa nasabing selebrasyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply