Selosang tomboy lumaklak ng lason todas

PATAY ang 22-anyos na tomboy makaraang uminom ng lason na hinalo sa alak matapos magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa kanyang nobya dahil sa selos sa Caloocan City, Martes ng madaling-araw.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center si Herminica Mangulubnan, “aka Nica,” ng Tanigue St., Dagat-dagatan, Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, alas-12:10 ng madaling-araw nang makita ang biktima na nakahandusay sa lapag ng nasabing bahay ni Jean Ann, 13, kapatid ng syota ng tomboy.

Ginising ni Jean ang biktima subalit hindi tumitinag na naging dahilan upang humingi ng tulong ang una sa mga kasama sa bahay.

Nang saklolohan ay naamoy sa bibig ng biktima ang silver cleaning solution na naging dahilan upang dalhin sa PDMMMC.

Nabatid na bago ang insidente ay uminom ng alak ang biktima dahil nakatalo ang syota sa pagiging selosa ng tomboy.

Nakita sa lugar ng pinangyarihan ang tasa ng alak na may halong silver cleaning solution kung saan inaalam na kung may naganap na foul play sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply