Selosong mister sinilaban ang sarili sa asar

MATAPOS hindi kaagad uwian ng kanyang misis ay kumuha ng gasolina ang isang mister saka sinilaban ang sarili sa hinalang may ibang lalaki ang una sa Barangay Baretto, Olongapo City.

Kinilala ang biktima na si Victor Mercado, 53.

Sa imbestigasyon, sinabi ng misis ni Mercado na si Emilia na bago ang insidente ay nakatanggap pa siya ng tawag sa kanyang mister na agad siyang pinauuwi sa bahay,

Pero dahil may trabaho siya ay hindi muna siya umuwi dala na rin ng trauma na baka saktan na naman siya ng biktima.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay nakatanggap pa aniya siya ng text mula kay Mercado na nagbabantang susunugin ang kanilang bahay kapag hindi kaagad umuwi na hindi rin pinansin ni Emilia.

Hinala naman ng misis ng bikima na inatake na naman ng selos ang kanyang mister dahil sa lagi aniya siyang pinaghihinalaan nitong may ibang lalaki.

Lumalabas na pangalawang beses nang nagtangkang sunugin ng biktima ang kanilang bahay ngunit napipigilan lamang ng kanyang misis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply