Senate lounge ginawang videoke bar ng staff ng solon

MUKHANG naliligaw ng pinuntahang lugar ang isang grupo ng staff ng mambabatas dahil sa pag-aakalang videoke house ang napuntahan nila gayung Senate lounge iyon.

Biruin mo ba naman sa kasagsagan at kasarapan ng kainan ng mga taong naroon sa naturang lugar, umagaw pansin ang mga nagpapaligsahang boses ng mga umaawit.

Ang iba ay natuwa subalit may ilang taong nairita at nawalan ng gana sa kanilang pagkain ng tanghalian.

Buti na lang at naging kunswelo ng mga kalalakihan dahil puro dalaga at magaganda ang dating ng mga kumakanta kahit pangit ang boses ng ilan sa mga ito.

Hindi bale sana kung isa lang ang kumanta, kaso sunod-sunod dahil pagkatapos ng isa, ang isa namang staff ang kumanta hanggang sa lahat na sila ay kumakanta na lubhang nang-aagaw ng eksena.

Hindi tuloy alam ng ilang mga nasa lounge ng mga oras na iyon kung nagpapansin ang mga ito o hindi na dalaga dahil sa mga ikinikilos.

Sa susunod kasi, mga ineng, kung gusto ninyong kumanta pumunta kayo sa videoke bar o sing-along bar para naman hindi nakahihiya kahit na magwala pa kayo.

Ang mga naturang staff ng mambabatas ay pawang mga anggagara ng buhay dahil sa lounge araw-araw kumakain at take note hindi lang isang beses sa maghapon kundi maraming beses.

Ang kanilang amo ay paborito ang letrang GMA. Hindi ko lang alam kung anong relasyon nila ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo maliban sa umano’y pagiging sipsip niya sa huli.

Heto pa ang clue: May bus company na pag-aari ang isa sa kanyang mga kamag-anak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply