Senator-judges inip sa mabagal na impeachment

NAIINIP na ang senator-judges sa kabagalan ng pag-usad sa paglilitis ng kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito ang iginiit nina Senator-judges Koko Pimentel at Teofisto Guingona III na kung saan ay mag-iisang buwan ang naturang  pagdinig.

Ayon kay Pimentel, naging mabagal ang pagdinig dahil sa pag-atupag ng impeachment court ng issues na wala namang kinalaman sa mismong asunto na isinampa ng prosekusyon tulad na lamang ng kontrobersiyal na dokumento na galing sa isang misteryosong “small lady”.

Dahil dito, mistulang sinisisi ng senador ang prosekusyon kung bakit isinumite pa sa hukuman ang dokumentong hindi sila sigurado kung ito ay totoo o kwestyunable.

Bagaman aminado ang senador na mahalaga rin na malaman kung ano ang katotohanan sa likod ng kontrobersiyal na dokumento ng taga-usig.

Umaasa naman sina Pimentel at Guingona na magiging mabilis na ang usad ng impeachment trial sa oras na matapos na ang pagtalakay sa masalimoot na usapin sa statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Corona at matalakay na ang iba pang articles of impeachment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply