Senator/judge nagpasikat sa impeachment court

ISANG senator/judge ang nagpasikat sa kanyang anak na nanonood sa loob ng impeachment court sa  paglilitis kay Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa nakalap na impormasyon ni matang kuwago ng Remate, nang malaman ng senator/judge na ito na nasa loob ng session hall ang kanyang anak at take note may kasamang kaibigan ay talagang tumindig ito para magtanong sa isang testigo.

Bukod sa ginawang pagtatanong sa testigo, ipinakita rin ng mambabatas na ito ang kanyang kagalingan at kahusayan sa batas.

Akalain mo bagamat kilala na siyang eksperto sa batas ay nakuha pa ring magpa-impress sa anak at sa kaibigan nitong kasamang nanonood sa impeachment court.

At kasunod ng ilang minutong pagpapasikat ng kanyang ama sa kanya at sa kanyang kabigan ay tumayo na ang mga ito sa kanilang kinauupuan at agad ding lumabas ng impeachment court.

Sosyal ang anak na ito ng mambabatas dahil sa mayroon pang escort at alalay mula sa pintuan ng session hall hangang sa kanyang upuan na parang prinsesa.

Nang malaman din ng naturang senator/judge na hindi babalik ang kanyang anak at kaibigan nito ay hindi na ito muling tumayo  para magpasikat hanggang sa matapos ang paglilitis sa naturang araw.

Gusto na ba ninyong makilala kung sino ang ating tinutukoy?

Halina’t pintahan natin.

Kilala siyang bigatin sa Senado dahil sa kanyang lakas at asim sa kasalukuyang administrasyon.

Bukod dito may letrang F ang kabuuan ng kanyang pangalan as in Foot and Mouth Disease.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply