Sendong victim pa nagbigti sa CDO

PATAY ang isang evacuee ng bagyong Sendong makaraang magbigti sa loob mismo ng tent city sa Sitio Calaanan, Brgy Canitoan sa Cagayan de Oro City kaninang madaling araw, Pebrero 22.

Kinilala ang biktima na si Jesus Noel Buenavenida na kabilang sa mga grabeng naapektuhan ng baha nang hinagupit ang kanilang bahay sa Brgy Carmen noong nakaraang Disyembre 2011.

Nabatid kay Canitoan Brgy Chairman Joshua Taboclaon, ginamit ng biktima ang isang itim na garter sa pagtali sa kanyang leeg sa inookupahang portable shelter nito habang nag-iisa lamang kaninang madaling araw.

Sa inisyal na ulat, hiwalay ang biktima sa asawa at mayroong dalawang anak at posibleng nakaranas ng labis na kalungkutan dahil sa mga naranasan sa buhay.

Ayon naman sa kasama nitong Sendong victim, kakaiba na ang sinasabi ng biktima bago isinagawa ang kaniyang pagpapakamatay kabilang dito ay pagpupumilit na kailangan na umano silang umalis dahil may paparating na baha at kailangan niyang magtago dahil may apat na taong naghahanap sa kanya para siya ay sasaktan.

Matatandaang noong nakaraang buwan ng Enero, isang Roy Navarro ang nagpakamatay din sa pagmamagitan ng pagsaksak ng kanyang katawan ng maraming beses dahil pa rin sa matinding depresyon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply