Sermon kay Llamas ‘di sapat – obispo

HINDI umano sapat na sermon lamang ang ipinataw na parusa ni Pangulong Benigno Aquino III kay Presidential Adviser for Political Affairs Ronald Llamas na una nang naaktuhang bumibili ng mga pirated DVD sa loob ng isang mall kamakailan.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, nakukulangan siya sa aksiyon ng pangulo dahil hindi aniya sapat na sermon lamang ang natanggap ni Llamas sa ginawa nito.

Paliwanag ni Bastes, kung tutuusin ay dalawang beses nang ‘nagkasala’ si Llamas matapos na unang makunan ng matataas na kalibre ng armas sa kanyang sasakyan.

Iginiit rin ng obispo na magdudulot ng maling senyales ang ginawa ng Pangulo dahil lumalabas na hindi niya kayang tanggalin ang mga Gabineteng malapit sa kanya.

Matatandaang una nang naaktuhan si Llamas na personal na bumili ng mga piniratang DVD sa isang mall na nagkakahalaga ng P2,000.

Gayunman, matapos na umamin at humingi ng paumanhin si Llamas ay hindi ito sinibak sa puwesto ng Pangulo at sa halip ay sermon lamang ang ipinataw na parusa sa kaniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply