Sex-video scandal nina Rufa Mae at Hayden lumutang na

HINDI malaman ng marami kung sino ang ipinagtatanggol ni Rufa Mae Quinto nang magbigay ng opinyon na kesyo hindi naman daw nag-date sina Nancy Castiglione at Hayden Kho, ang una ba o itong huli na rati nitong karelasyon?

Maaalalang nung kasagsagan ng eskandalo ni Hayden at Katrina Paula, na-involve rin ang pangalan ni Rufa Mae at umano’y isa rin ito sa nagkaroon ng sex-video scandal sa fiance ni Dra. Vicki Belo.

Ngayong nakikisawsaw siya sa issue, may mga nagtsismis na nakalkal na ang

sexcapade nito kay Hayden na ayon sa tsismis eh, nakita na raw ng pamosong beauty consultant maging iyong iba pang video sa iba’t ibang babae.

Naku, tumahimik ka na lang Rufingfing at baka makaladkad na naman ang pangalan mo. Hindi mo pa nga naipapaliwanag ang sex-video mo with Duncan Ramos.

***

Karanasan ni Sarah ipakikita sa kanyang show

Handang-handa na ang pinakabatang Pinoy pop royalty na si Sarah Geronimo sa kanyang sariling live solo musical variety show sa ABS-CBN na “Sarah G. Live.”

Tunghayan ang mas matapang at mas mapangahas na Sarah tuwing Linggo ng gabi tampok ang kanyang mga hindi mapapantayang world-class concert performances na magpapatunay na siya ang pinakamaningning na bituin ng kanilang henerasyon.

Bukod sa kanyang singing talent, ibabahagi rin ni Sarah sa show na ‘to ang kanyang mga personal na karanasan at ilang never-before-seen ‘Sarah G. moments’ na tiyak ikaliligaya ng fans.

Mula sa pagiging kampiyon ng “Star for a Night” sa edad na 15, masasabing malayo na ang narating ni Sarah sa dami na ng kanyang natamong tagumpay bilang isang recording artist, concert performer, actress, host at maging bilang isang product endorser.

Ngayon, wala nang makapipigil sa Pop Princess na patuloy na kuminang bilang isa sa pinakamahusay na total concert performers ng bansa. Makakasama ni Sarah na magpasaya sa “Sarah G. Live” ang co-host niyang si Luis Manzano, musical director Louie Ocampo, choreographer Georcelle Dapat-Sy, at director Erick Salud.

Tampok rin sa show ang G Force at si Gab Valenciano bilang dance performers at isang special guest co-host kada Linggo.

Huwag palampasin ang engrandeng pagbubukas ng “Sarah G. Live,” sa Pebrero 26 (Linggo), pagkatapos ng “Rated K.” Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @SGLiveOFFICIAL sa Twitter at SarahGLiveOFFICIAL sa Facebook.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply