Shalani super iyak sa pagkakatigbak sa Wil Time, Big time

IKINUWENTO ni Christian Bautista na may kinuha silang ibang agent upang mag-ayos ng kanyang papeles patungong Indonesia dahil sa ilang gigs at commitments. Kampante naman daw siya at ang kanyang management na maayos na lahat dahil matiwasay naman si -yang nakapasok sa Indonesia. Pero after daw niyang kumanta sa isang gig, nilapitan daw sila ng ilang immigration officials upang imbitahan sa Immigration Office nang nasabing bansa. Maayos daw silang kinausap at sinabing tourist visa ang dala niya.

Right now, pinag-iisipan pa raw nila kung idedemanda ang naturang ‘agent’ na kinuha nila  dahil sa aberyang nangyari.

Pero sure na makababalik si Christian bago mag-Valentines Day sa Indonesia.
Almost six years na raw siyang labas-masok sa nasabing bansa pero ngayon lamang ito nangyari sa kanya.

Tsuk!

-0o0-

Babu na talaga si Shalani Soledad bilang co-host ng Wil Time, Big time.

Kinausap daw ng Executive Producer na si Jay Montelibano si Councilor Shalani at ipinaliwanag ang mga dahilan kung bakit hindi na siya makababalik sa numero unong game show sa primetime. Iniyakan daw ni Shalani ang balitang hindi na nga siya magiging bahagi ng show ni Willie Revillame.

Isa sa dahilan na sinasabi ay hindi na nila mapakikilig ang mga fans ni Willie at hindi na siya mabibiro dahil may asawa na siya. Bukod dito, magiging abala na rin siya sa nalalapit na pangangampanya sa darating na eleksyon.

At least, magkakaroon siya ngayon ng maraming oras para makabuo sila ng pamilya ng kanyang politikong napangasawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply