Shell Advance Motorcycle challenge aarangkada na!

AARANGKADA nang muli ang Shell Advance Solo Motorcycle & Underbone Challenge ngayong taon at magsisimula ang pasiklaban sa Pebrero 25.

Ang mga rider ng Caloocan ang unang sasabak sa paastigan ngayong taong ito. Para sa mga nais magparehistro, bumili lamang ng isang litro ng Shell Advance Motorcycle Oil sa registration tent na magbubukas simula alas-8:00 ng umaga. Kasama sa nabiling litro ng Shell Advance Motorcycle Oil, makakatanggap din ng libreng jersey, cap, keychain at karagdagang isang litro pa ng langis ang sino mang magpaparehistro.

Ang mga pangunahing kategoryang paglalabanan ay ang Bike Show Stock, Bike Show Open, at Obstacle Course. P5,000 ang premyo para sa 1st place ng Obstacle Course, P2,000 para sa Bike Show Stock at Bike Show Open.

Mayroon ding mga nag-aabang na premyo para sa iba pang mga kategorya tulad ng Best Bike in Show, Best Bike Club with the most number of participants, at Best Helmet Design.

Ang Shell Advance Solo and Motorcycle Underbone Challenge ay pinangungunahan ng SHELL ADVANCE MOTORCYCLE OILS at RACE MOTORSPORTS CLUB at suportado naman ng PINOY SPEED BALITANG MOTORING AT RONDA REMATE MOTORING.

****

2012 Hill Climb Series atbp

ITINAKDA na ng Hill Climb Club of the Philippines ang kanilang race calendar para sa taong ito. Hindi tulad ng nakagawian, ang 2012 Hill Climb series ay magkakaroon na ng dalawang kategorya: ang North Hill Climb Challenge at Metro Hill Climb Challenge.

Upang maging mas exciting at mas kaaya-aya ang kumpetisyon, may idinagdag na mga bagong venue ang Hill Climb Club of the Philippines.

Ang North Hill Climb Challenge ay ang tradisyonal na time-trials na ginaganap sa matatarik na kalsada ng San Fernando, La Union, ngunit ngayong taon, idinagdag na ang bundok ng Mt. Samat, Bataan sa listahan ng mga tatahaking daan ng mga kalahok.

Para naman sa mga Hill Climb drivers na walang panahong mag out-of-town, isasagawa ng Hill Climb Club ang Metro Hill Climb Challenge sa bulubunduking bahagi ng Rizal.

Ang sumusunod ay ang race schedule para sa North Hill Climb Challenge at Metro Hill Climb Challenge:

NORTH Hill Climb Challenge
-Rnd 1     February 19      San Fernando, La Union
-Rnd 2     April 1               San Fernando, La Union
-Rnd 3     May 5                Mt. Samat, Bataan
-Rnd 4     May 5 (night)   Mt. Samat, Bataan

METRO HILL Climb Challenge
-Rnd 1     March 4            East of Manila (Rizal)
-Rnd 2     April 22            East of Manila (Rizal)
-Rnd 3     May 5                Mt. Samat
-Rnd 4     May 5                Mt. Samat

Ang final round para sa parehong North Hill Climb at Metro Hill Climb ay gaganapin sa ika-5 ng Mayo sa Bataan, kung saan ang Metro Hill Climb ay idadaos sa umaga at ang North Hill Climb naman ay sa gabi.

Ang Hill Climb Club of the Philippines rin ang mamamahala sa 2012 RallyEKross Series na gaganapin sa Enchanted Kingdom at ang sumusunod ay listahan ng mga datos para sa bawat round:

RallyEKross Series
-Rnd 1      June 3
-Rnd 2      July 8
-Rnd 3      August 4
-Rnd 4      Sept 23

Inaanyayahan rin ng Hill Climb Club of the Philippines ang mga Rallye Sprinters para sa isang araw ng one-off Rallye Sprint sa darating na Agosto 26.

TBA (to-be-announced) pa ang status ng venue para sa Rallye Sprint.

Ang 2012 Hill Climb Series ay suportado ng Prince Plaza Hotel Baguio), Villa Estrella Beach Resort (Bauang, La Union), Top Gear Philippines, kotse.com, Sprocketph.com, at ng Drive (Manila Bulletin).

Para sa karagdagan impormasyon, bisitahin lamang ang Facebook page ng Hill Climb Club of the Philippines, www.facebook.com/ Hill-Climb-Club-of-the-Philippines.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply