Shell, Seaoil nagpatupad ng oil price hike

NARAMDAMAN na ngayon ang pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo makaraang magpatupad ng oil price hike ang kompanya ng langis ngayong Araw ng mga Puso.

Epektibo kaninang alas-6:00 ng umaga sa ipinatupad ng Shell ang oil price hike. Ang dating presyo ng diesel na P46.10 ay naging P46.95; ang unleaded na dating P55.10 ay naging P55.60; at ang premium na dating P56.60 ay pumapalo na ngayon sa P57.10.

Ang Seaoil ay sumabay na rin sa pagtaas ng presyo kung saan diesel ay nasa P45.95 kada litro, ang unleaded ay pumapalo sa P54.60 kada litro at ang premium ay nasa P55.60 kada litro. Kaugnay nito nakikiramdam na ang iba pang oil players sa pagpapatupad ng oil price hike.

Ang pagtaas sa presyo ng petrolyo ay iniuugnay ng oil companies sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply