Shoot to kill order vs Palparan ibinasura ni Robredo

IBINASURA kaninang umaga ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang isang shoot-to-kill order laban kay retired Maj. Gen. Jovito Palparan Jr.

Sinabi ni Robredo na ang puganteng heneral ay kailangang mahuli at madala sa korte para madinig ang kinakaharap nitong laso.

“We are doing everything to find him,” dagdag pa nito.

Pero hindi aniya maganda na ang isang dating nagsilbing opisyal ng Sandatahang Lakas ng bansa ay kakasahan ng shoot to kill order lalo pa’t hindi pa naman ito guilty sa kinasasangkutang kaso.

Samantala, hinamon naman ni Robredo ang militant at human rights groups na kilalanin o ibunyag ang mga pagkakakilanlan ng mga kumukupkop kay Palparan.

“It’s better they identify who are those coddlers because (Defense) Secretary (Voltaire) Gazmin has already denied those allegations,” pahayag pa nito.

Nito lamang nakaraang Lunes, pinasaringan ni Erlinda Cadapan, ina ng isa sa dalawang nawawalang estudyante ang kawalang aksyon ng gobyerno para mahuli si Palparan.

Ang P1-milyong pabuya sa pagdakip kay Palparan ay walang saysay at walang halaga, dagdag pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply