Si Kris mismo ang nakipagbati kay Gov. ER Ejercito

LAST Friday ay umalis ng Pinas ang Queen of All Media na si Kris Aquino papuntang Japan kung saan isini-lebrate niya ang kanyang 41st birthday (na ang petsa ay February 14). Bago umalis ng bansa ay nag-advance taping na siya ng ilang episodes for her morning show na Kris TV.

At isa sa mga na-shoot na ni Kris for her morning show ang bahay ni Laguna Governor ER Ejercito at misis niya na si Pagsanjan Mayor Maita Sanchez na ipinalabas na last Friday. How ironic dahil kamakailan lang ay nagkaroon ng palitan ng medyo maanghang na pahayag sina Kris at Gov. ER sa media.

Kwento ng mabait na gobernador, si Kris raw ang nagsabi sa kanya na bati na sila. Kaya naman everything’s water under the bridge between him and Kris. Malay natin, magkasama pa sila sa isang malaking project, huh?

Habang si Gov. ER naman ay abala ngayon sa pag-aasikaso sa mga taga-Laguna, dahil sa kanyang dedikasyon sa kanyang mga kababayan, napili siya bilang Presidential Lingkod-Bayan awardee for 2011 mula sa Malacañang.

Tinanggap ni Gov. ER ang kanyang karangalan mula sa 2011 TOPLEAP (The Outstanding Philippine Excellence Award in Philantrophy) na ginanap sa Malacañang kamakailan.

Bukod d’yan, malapit na rin siyang mag-resume ng shooting para sa isa na namang big-budgeted epic movie niya, ang “El Presidente” with no less than the Superstar herself, Ms. Nora Aunor.

***

NAKUHA na ni Dingdong Dantes ang bonus niya sa super blockbuster movie nila ni Kris Aquino last December na Segunda Mano.

Ni-reveal ‘yan ng aktor during the launching ng bago niyang product endorsement sa Bench, ang Empower Deo-Cologne kung saan walang takot na nag-topless muli ang actor after a long time, huh?

Pinaghandaan daw talaga ni Dingdong ang pagrampa niya ng topless for his new deo-cologne for Bench endorsement.

Kasama raw siyang nag-conceptualize with Bench ng kasunod na fragrance niya after ng very successful na Desired perfume.

Sabi ng aktor, nae-empower daw siya ng mga mahal niya sa buhay.

“Bawat paglabas ko ng bahay motivated ako na meron akong mga taong mahal na gustong pasayahin at sila ‘yung mga nag-i-inspire sa akin. Dahil doon nakagagawa ako ng mga bagay na kahit ‘yung inaakala ko na hindi ko magawa dati, e, nae-empower ako dahil doon,” dagdag pa niya.

Hindi naman kataka-taka kung paano name-maintain ni Dingdong ang kanyang magandang katawan. Karamihan daw ng pang-diet na pagkain niya si Marian ang gumagawa.

“Magaling kasi ‘yung cook ko, e. Pinaghahandaan niya ako ng masarap na isda parati at syempre, ah, malaking bagay ‘yung paglabas mo ng bahay handa ka para harapin ‘yung mga challenges sa araw. And I think that’s what the product exemplifies, e. ‘Yung  karakter ng pagiging lalaki, kung paano nya haharapin lahat ng suliranin sa araw na ‘yun,” lahad pa niya.

For sure, magtataka ang iba kung paano pa nagagawa ni Marian ang ipagluto ang papa Dong niya sa gitna ng kanyang kabisihan.

“Well, talagang gumagawa siya ng oras, e. Ganu’n talaga siya. Kaya saludo ako sa kanya dahil pinaghahandaan niya talaga,” sabi pa ni Dingdong.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply