Si madam executive na orocan, bow!

MARAMI na ang naiinis sa kaplastikan ng executive na ito ng isang TV network. Maganda sana ang kanyang mukha, mahinhing kumilos at soft spoken pero hindi mapagkakatiwalaan. Ang kanyang mga sinasabi ay parang salita ng bata. Bumubuka ang bibig pero hindi iniisip ang mga sinasabi.

Imagine, ito lang ang executive na walang isang salita. Sa tuwing makikita ng mga reporter si Madam Orocan, naka-smile naman siya pero ang mata nito hindi sa kausap nakatingin kundi sa ibang bagay o sa ibang tao. Pag kinamayan naman, iaabot lang nito ang kanyang malambot na kamay ngunit walang effort na hawakan ang kamay mo.

Mabuti na lamang at hindi nagmana sa kanya ang kanyang mga tauhan. Mababait sila at punong-puno ng respeto sa mga manunulat.

Ang problema, dahil sa kaokrayan ng kanyang ugali, ang mga programa nila bagsak ang rating. Ang ratings na inilalabas nila ay kaplastikan din katulad ng ehekutibo na ‘to. Meaning, hindi totoo. Puro padding ang pigures na ipinagmamalaki nila. Itong mega Manila na sinasabi nilang balwarte nila, hindi totoo ‘yun. Matagal na silang nalaos dito.

Kaya kung hindi magbago-bago ang ang ehekutibo na ‘to na nuknukan ng pagkasinungaling, pati mga artista walang matitira sa kanila.

S’ya na lang kaya ang maging bida sa palabas nila, tutal naman ang galing niyang umarte sa harap ng ibang tao, what more sa harap ng camera?

***

Nadine naghihintay sa wedding proposal ng BF

MAGANDA ang istorya ng pag-iibigan nitong si Nadine Samonte at ang kanyang boyfriend na si Emerson Chua. Naghiwalay sila.

Nagkaroon ng kanya-kanyang karelasyon. Si Nadine ay napunta ay Leandro Muñoz, habang nakatagpo naman ng ibang girlita si Emerson. Pero muli silang nagtagpo at nagkabalikan.

Hinintay lang daw nitong si Emerson na mag-break sina Leandro at Nadine at saka siyang bumalik sa bida ng Valiente na palabas na sa February 13 sa TV at humingi ng sorry.

Wedding proposal na lang daw ang hinihintay ng dalaga sa nagbalik niyang BF. Handa raw siya lumagay na sa tahimik. Puwede naman daw niyang pagsabayin ang paga-artista at ang buhay may asawa.

***

Kaawa-awang kondisyon ng mga korte isisiwalat sa ‘Krusada’

MARAMI umanong mga napondohan ngunit hindi naitayong korte sa ilalim ng pamumuno ng ngayong nasasakdal na si Chief Justice Renato Corona, na inaakusahang hindi ginamit nang wasto ang bilyun-bilyong pondo para sa reporma sa hudikatura.

Bukas, Huwebes (Feb 2) sa “Krusada,” ibubunyag ni Henry Omaga-Diaz ang miserableng kalagayan ng mga korte sa bansa – mga lumang gusali, kisameng natutuklap at sira-sirang kabinet at bintana.

Bukod pa sa pagsisiksikan ng mga partido, abogado at saksi, napag-alaman ni Henry na nakikihati din ang mga hukom sa mga korte ng isa’t isa na nakapagpapabagal pa ng pagdinig at pagdesisyon sa mga kaso.

Naninindigan si Henry na mas mapapatatag ang pagtitiwala ng taumbayan sa hudikatura kapag nagkaroon ang bansa ng mas maaayos na mga gusali, istratehiyong lugar at karespe-respetong kapaligiran para rito.

“Anuman ang maging desisyon ng senator-judges sa magiging kapalaran ni Chief Justice Corona, sana ay maging daan ito para maitulak ang ating krusada para sa reporma sa ating hudikatura na magbibigay sa bawat mamamayan ng nararapat na katarungan,” saad ni Henry.

Dahil ang tunay na paninindigan ay hindi puro salita lamang, makinig at makiisa sa kampanya ni Henry bukas sa “Krusada” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN o sa mas maagang pag-ere nito sa DZMM TeleRadyo (SkyCable Channel 26), 9:15 p.m.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply