Siga sa Tondo kinatay ng jungle bolo

NATAPOS ang pagiging siga ng 32-anyos na pedicab driver matapos pagtatagain ng jungle bolo hanggang mapatay kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Giorginni Rodoquilo, miyembro ng Commando, ng 471 Concuera St.,Varona, nasabing lugar.

Habang arestado naman ang suspek na si Eduardo Babijes alyas Eddie, 55, taxi driver ng 1765 Interior 5, Varona, nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon, alas 10 ng umaga kanina nang maganap ang insidente sa eskinita ng Interior 5.

Nabatid na natutulog ang biktima sa isang bangkong gawa sa kahoy nang lapitan ng suspek na lasing saka inundayan ng saksak at taga gamit ang jungle bolo na may habang 28 pulgada.

Sa unang pag-atake ng suspek ay nakatakbo pa ang biktima ngunit hinabol siya ng suspek hanggangh makorner at hindi na tantanan.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang jungle bolo na ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply