Signature cards sa BSP at AMLC nais makita ni Enrile

SA pagpapatuloy ng ika-20 araw na pagdinig sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona, inatasan ni Presiding officer Juan Ponce Enrile ang presidente ng PSBank na si Pascual Garcia na dalhin ang signature cards ng punong mahistrado na isinumite sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Anti-Money laundering Council (AMLC).

Ayon sa senador, nais niyang maikumpara ito sa mga dokumentong hawak ng kampo ng prosekusyon na sinasabing peke.

Layunin din ni Enrile na matunton sa pamamagitan ng mga dokumentong ito kung paano nagkaroon ng leak ang ganito kahalagang papeles.

Samantala, nauna nang sinabi ni Garcia na kasama ang mga account ni Corona sa mga iniimbestigahan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon kay Garcia, ginagawa ito kung kahina-hinala ang isang account, tulad ng taong may kaugnayan sa politika.

Dagdag pa ng presidente ng PSBank, nagsagawa na noong Setyembre hanggang Octobre 2010 ng audit ang BSP.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply