Sikat na boy band na A1 nasa Pinas na para sa concert

MALOLOKA na namang tiyak ang mga Pinay dahil nasa bansa na ang isa sa sumikat na British-Norwegian group na A1 para sa concert sa Smart Araneta Coliseum sa Sabado, Feb 25.

Nauna lang ang A1 dito pero makakasama ng grupo ang ilang miyembro ng dalawa pang boy band na Blue at 98 Degrees.

Bukod sa mga miyembro ng A1 na sina Mark Read, Ben Adams at Christian Ingebrigtsen, nandito na rin sa bansa ang miyembro ng 98 Degress na si Jeff Timmons.

Kaninang tanghali ay bumisita at nagpasikat sa “It’s Showtime” si Jeff. Kinanta niya ang ilang linya ng hit song nila noon na “I Do” at Invisible Man.

Nag-iisa lang si Jeff ha pero nagtilian ang mga studio audience ng Showtime.

Usong-uso noon ang boy band at kabilang ang A1, 98 Degress at Blue sa mga sumikat at kahanay nila ang N’Sync, West Life at Backstreet Boys.

Pinasikat na kanta noon ng A1 ang mga awiting “Heaven By Your Side,” “Take On Me,” “Like a Rose,” at iba pa.

Habang ang Blue naman ay nakilala sa mga kantang “One Love,” “Best In Me,” “If You Come Back In My Life” at marami pang iba.

Siguradong dudumugin ng mga Pinay ang concert nila sa Sabado, lalo na yung mga nagdalaginding, nagdalaga noong dekada 90 ng mauso at mabaliw ang mga kababaihan sa iba’t ibang parte ng mundo sa mga boy band.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply