Simbahan:’Wag mamudmod ng condom sa V-Day’

HINIMOK ng Simbahang Katolika ang Department of Health (DOH) na huwag mamamahagi ng condom o anumang uri ng contraceptive pills sa nalalapit na paggunita ng Valentines Day sa bansa.

Ayon kay dating CBCP President Archbishop Jaro Lagdameo, tuwing araw ng mga puso ay lagi na lamang aniyang pakulo ng kagawaran ang pamumudmod ng “condom” sa mga tao.

Dahil dito,n ananatili ang panawagan at kampanya ng Simbahang Katolika na ang abstinence, pagiging tapat sa asawa at pagsunod sa mga kautusan ng Panginoon ang mabisa pa ring paraan para labanan ang sinasabing patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa maging ang mga sakit na STD, Herpis at marami pang iba.

Sinabi naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na ang sex liberalization sa bansa bunsod ng RH bill ay magiging sanhi ng pagtaas ng krimen.

Aniya, dapat nang matuto ang Pilipinas sa ibang mga bansa tulad ng Amerika at Europa na walang naidulot na maganda sa kanilang kultura at ekonomiya ang Reproductive Health bill at population control.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply