Simbahan naghahanda na sa Kuwaresma

PUSPUSAN na ang paghahanda ng Simbahang Katolika para sa nalalapit na paggunita sa panahon ng Kuwaresma.

Ang Lenten Season o Kuwaresma ay pormal nang magsisimula sa Pebrero 22, Ash Wednesday.

Kasunod nito, pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle ang mga Katoliko na magkaisa sa pagsalubong sa Mahal na Araw.

“Ash Wednesday ushers in the Season of Lent. As we welcome this season of renewal, let us be united with all of God’s people, for we all share the need for continued conversion as we move away from sin and move toward Christ,” ayon kay Tagle.

“We are called upon to support each other in solidarity by praying, fasting and giving alms to the poor as we undertake our conversion journey in preparation for Easter,” dagdag pa ni Tagle.

Muli rin nitong ipinaalala ang “HAPAG-ASA” feeding program ng archdiocese ng Manila para sa mga nagugutom at malnourished na bata.

Nabatid na sa ilalim ng “HAPAG-ASA,” ang mga bata mula anim na buwan hanggang 12 taong gulang ay pinapakain isang beses isang araw, limang beses isang linggo sa loob ng anim na buwan ng mga masustansyang pagkain.

Samantalang ang mga magulang naman ng mga ito ay tinuturuan ng mga basic skills upang mapaghusay ang kanilang kakayahan na alagaan ang kanilang mga anak at livelihood at skills training para makatulong sa paghahanap ng ikabubuhay.

Umapela rin si Tagle sa mga deboto na mag-donate ng P10 kada araw o P1,200 sa loob ng anim na buwan para mapakain ang isang bata. Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply