Simbahan naghahanda sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod

PUSPUSAN na ang ginagawang paghahanda ng Simbahang Katolika sa Pilipinas para sa canonization ni Blessed Pedro Calungsod, ang ikalwang Filipinog santo.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Archdiocese of Cebu ang mangunguna sa spiritual at physical preparations para sa canonization ni Calungsod na posibleng maisagawa sa huling bahagi ng taong 2012.

Nilinaw naman ni Father Marvin Mejia, assistant secretary general ng CBCP, na wala pang eksaktong petsa na iniaanunsiyo ang Vatican para sa canonization, ngunit ngayon pa lang ay puspusan na ang paghahanda nila hinggil dito.

Nag-organisa na rin umano si CBCP President at Cebu Archbishop Jose Palma ng tatlong komite para sa okasyon sa Roma, Cebu at sa national level.

Kabilang umano sa isinasagawang paghahanda ay ang katesismo upang maipabatid sa publiko ang buhay ni Calungsod, pag-organisa ng mga pilgrims na dadalo sa canonization rites sa Roma at pag-iimbita ng national figures sa Thanksgiving Mass sa Cebu City na itinakda matapos ang canonization.

Si Cebu City-based Fr. Trinidad Silva, ang archdiocesan media director, ang siyang mamumuno sa publicity committee.

May limang bahagi ang programa kabilang na ang aktibidad na may kaugnayan sa pre-announcement phase, ang post announcement, pre-canonization rites, ang canonization rites sa Roma at ang post-canonization phase na isang National Thanksgiving Mass na isasagawa sa Cebu City.

Si Blessed Pedro Calungsod ay isang batang lalaki na sumama sa mga misyunaryo sa Guam at pinatay dahil sa kaniyang walang kapantay na pananampalataya sa Kristiyanismo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply