Simbahang Katolika handa na sa Ash Wednesday

NAKAHANDA na ngayon ang Simbahang Katolika para sa paggunita ng “Ash Wednesday” sa Pebrero 22.

Kaugnay nito, hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang lahat ng mga Katoliko na magbalik-loob sa Diyos at magsisi sa mga kasalanan.

Ang pagbabalik sa Diyos ay kasunod ng nalalapit na paggunita sa Ash Wednesday, na hudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma o Mahal na Araw.

Ayon kay Retired Archbishop Oscar Cruz, ang abo na ipinapahid sa noo ay pag-alala na kinakailangan nating magsisi sa ating mga kasalanan.

Maliban dito, inoobserba rin ang simula Ash Wednesday ang fasting o hindi pagkain ng isang buong meal at hindi pagkain ng karne.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply