Singil sa kuryente, tataas ngayong buwan

MAKARARANAS ng dagok ang mamamayan sa ipatutupad na dagdag singil sa kuryente  ngayong buwan.

Nagpaliwanag ang Manila Electric Company (Meralco) kaugnay ng nakatakdang dagdag singil sa kuryente ngayong buwan at ipinabatid ng spokesperson nito na si Dina Lomotan na ang onse sentimos na dagdag singil sa kada kilowatt hour ay bunsod ng pagtataas din ng presyo ng mga supplier ng kuryente ng Meralco.

Binigyang diin ni Lomotan  na wala silang magagawa kundi ipasa sa consumer ang naturang dagdag singil.

Sinabi pa nito na di nito na asahan na mas tataas pa ang singil sa kuryente ngayong summer. Nagpaalala rin si Lomotan sa publiko kaugnay ng nalalapit na summer season.

Sinabi ni Lomotan na karaniwang mas lumalakas ang konsumo ng kuryente tuwing tag-araw kaya nagmamahal ang presyo nito. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply