Single ticketing at pagsibak sa enforcers

GUSTO nating makatulong sa pakikipaglaban ng lahat sa kahirapan at gutom.

Kaya naman may sinusuportahan tayong mga patakaran ng pamahalaan at panukala na rin.

Kung pag-aaralan, Suki, ang mga dinadapurak ng kahirapan at gutom, dapat ibilang dito ang mga tsuper ng mga dyipni at iba pang uri ng mga tsuper sa ibang anyo ng pampasaherong sasakyan.

oOo

Magandang balita yang desisyon ng Metro Manila mayors na gawin na lang na single ang tiket na iiisyu sa mga mahuhuling traffic violator.

Sa totoo lang, pinapatay ng mga trapik enporser ang operasyon ng mga dyipni.

Imadyinin niyo na lang, kapag nanghuli sa isang araw ang trapik enporser mula sa iba’t ibang siyudad ng isang tsuper na bumabagtas sa kanilang mga siyudad, sa loob ng isang linggo ay hindi siya makabibiyahe sa pagtubos ng kanyang lisensiya.

Minimum pang P150 ang kanyang babayaran sa bawat tubos.

Gutom ang ikabubuhay niya at ang kanyang pamilya.

Kaya dapat pairalin agad yang single ticketing system.

oOo

Batay sa kuwento ng mga trapik enporser, may komisyon sila sa kanilang panghuhuli kaya sa konting diperensiya, nanghuhuli sila.

May kota pa ang kanilang mga hepe kaya naman sa araw ng pagkuha nila ng komisyon, kahati nila ang kanilang mga hepe sa komisyon.

Higit na malaki ang kita nila sa komisyon kaysa sa sinasahod nila kaya mas masahol pa sila sa buwaya sa paglamon sa mga tsuper.

Mungkahi natin, dapat kung may sumbong laban sa mga enporser, kung gaano nila idinideklarang gilti agad ang mga tsuper, dapat ding sibakin agad sa puwesto ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply