Single ticketing din sa lalawigan at kotong

NANGANGAILANGAN ng tulong si PNoy para malutas ang maraming problema sa kotong at gutom sa bahagi ng mga tsuper.

Kaya nga tatalakayin natin ang ukol sa pagpapairal ng sistemang single ticketing sa lalawigan at kontra kotong sa labas ng Metro Manila.

oOo

‘Di ba may ilang lalawigan na karugtong ng Metro Manila gaya ng Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna?

Ipagpalagay nating magsimulang bumiyahe ang isang motorista  mula sa mga malalayong bayan ng nabanggit na mga lalawigan patungo sa Metro Manila.

Ang daming bayan, Suki, ang kanyang daraanan.

Pero alam ba ninyong may kanya-kanyang trapik en-porser ang mga bayan?

Pero iisa ang iniikutan na mundo ng mga ito para sila kumita.

Ang mga bayan, gusto nilang pagkakitaan ang lahat ng mga dumaraan sa kanila.

At para kumita sila, yang mga trapik enporser ang gamit nila.

Ang siste, Suki, utak kotong ang marami sa mga ito.

oOo

‘Yang pangongotong ay dinaraan sa ligal na panghuhuli.

Pero ang dulo nito ay ang pagdidibayd-dibayd ng mga enporser at mga bosing nila sa koleksyon nila sa komisyon sa multa na binabayaran ng mga motorista.

Bukod sa sahod nila, gusto nilang may panggastos sa hinuhulugan nilang motorsiklo na personal nilang gamit at iba pang mga personal na interes.

Para kumita sila ng malaki, may kota sa panghuhuli.

Muli, sasabihin nating gutom at hirap ang inaabot ng mga motorista dahil hindi na nga sila makapapasada, uubusin pa nila ang kanilang mga araw sa pagtubos ng lisensiya sa mga bayan-bayan.

Mungkahi natin, pairalin din ang single ticketing sa lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply