Single ticketing system hiling ng metro mayors

NANAWAGAN si Pasay City Mayor Antonino “Tony” Calixto kay Pangulong Benigno Aquino III na aprubahan ang resolusyon ng Metro Manila mayors sa paggamit ng uniform o single ticketing system para sa traffic violations sa Metro Manila.

Si Calixto ang naging punong abala sa Pasay City Hall sa pulong kamakailan ng Metro Manila Council na kinabibilangan ng lahat ng Metro Manila mayors kung saan inayudahan ang resolusyon. Inaprubahan ang resolusyon matapos ang presentasyon at pakikipag-usap kay DILG Sec. Jesse Robredo na nagsabing dadalhin sa pangulo ang usapin.

Ayon kay Calixto, ang ticketing system ay makatutulong sa pagpapaayos ng trapiko sa 17 lokal na pamahalaan na bumubuo ng Metro Manila.

Makatutulong din ang sistema na mabawasan ang korupsyon sa pagpapatupad ng mga batas trapiko.

Sa kasalukuyan ay iba’t iba ang mga batas trapiko ng bawat LGU sa Metro Manila, kaya kapag nagkaroon ng paglabag ang isang motorista sa Pasay at lumabag muli sa isa pang lungsod ay hindi na niya maipapakita ang kanyang lisensya dahil nakuha na ito.

Kaya magbibigay na lamang ito ng suhol upang makalusot at ito ang problema sa lumang sistema, dagdag pa ni Calixto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply