Single-ticketing system simula bukas

SIMULA bukas ay ipatutupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng 17-lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang pag-iisyu ng magkakaparehong tiket sa mga lalabag sa batas-trapiko na tatawaging Uniform Ordinance Violation Receipt (UOVR), isang hakbang sa pagtatakda ng magkakaparehong multa.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, noon pang 1995 hinihiling ng iba’t ibang grupo ng transportasyon ang implementasyon ng single ticketing system kaya nasisiyahan sila sa suportang ipinagkaloob dito ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo at ng 17-alkalde sa Metro Manila.

Kumpiyansa ang MMDA na hindi mapepeke ang UOVR ticket dahil sa mga inilagay na security features upang matiyak na tamper-proof ito.

Sinanay na rin ng MMDA ang traffic constables, gayundin ang traffic enforcers ng 17 local government unit (LGU) sa Metro Manila, sa pagtukoy sa mga pekeng traffic ticket.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply