Sinisanteng driver, suspek sa Chinese slay-robbery

ANG sinisanteng driver ang itinuturong suspek ng Manila Police District-Homicide section na nasa likod ng panloloob at pagpaslang sa isang Chinese national at malubhang pagkasugat ng misis nito, kahapon ng umaga sa loob ng kanilang laundry shop sa Sta. Cruz, Maynila.

Sa panayam kay P/Sr. Insp. Joey De Ocampo, hepe ng MPD-hs, bago namatay ang biktima na si Calvin  Chioa, 35, may-ari ng Bulls Eye Laundry Shop, nabanggit aniya nito ang pangalan ni Richard na nanloob at sumaksak sa kanila.

Bukod dito, nabatid na dalawang tao lamang ang pupuwedeng magmaneho ng sasakyan ng mga biktima dahil may “sikreto” ito bago mapatakbo at sila lamang iyon ng biktima at kanyang driver.

Gayunman, sinabi ni de Ocampo, isang Richard ang sumuko na sa Naga Police at itinanggi na sangkot siya sa pagpaslang kay Chioa at malubhang pagkasugat sa misis nito na si Charlene, pawang ng 1604  Yakal St., Sta. Cruz.

Ang naturang suspek ay kukunin ng mga tauhan ni Supt. Jemar Modequillo, station commander ng MPD-PS2 at dadalhin sa MPD-hs para imbestigahan.

Sinabi rin ni de Ocampo na kabilang sa apat na suspek ang isang Ricky, na narinig na pangalan ng mga kasambahay.

Narinig umano ng mga kasambahay ng mga biktima na sinabi ng isa sa mga suspek ang katagang “O Ricky, magbantay ka rito, papanhik kami sa itaas.”

Kaugnay nito, sa kabila ng ligtas na ang biktimang si Charlene, hindi pa ito nakakausap ng mga pulis para ipakita ang ilang larawan ng ilan sa mga suspek na pinaghihinalaang nanloob sa mga biktima.

Nauna rito, nabatid na alas-5 ng umaga kahapon nang pasukin ang bahay ng mga biktima, itinali ang mga kasambahay saka pinagsasaksak ang mga biktima matapos manlaban.

Tinangay din ng mga suspek ang sasakyang Toyota Corolla ng mga biktima bago inabandona sa Alvarez St., Sta. Cruz, gayundin ang apat na anyos na anak ng mga biktimang si Nate.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply