Sinkhole nadiskubre sa Cebu

NADISKUBRE ng mga residente sa Brgy. Camboang, Dumanjug sa Cebu ang isang 20-feet na sinkhole kung saan nilamon ng nito ang ilang poste ng kuryente sa lugar.

Ayon kay Abraham Lucero ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), posibleng mayroong kuweba sa ilalim ng lupa at hinihinalang nabuo ito dahil sa lindol na yumanig sa lugar.

Dagdag pa ang patuloy na pag-ulan kung kaya sinasabing lumambot ang lupa hanggang sa tuluyan na itong bumigay.

Dahil dito, ipinagbawal na ng MGB sa lokal na pamahalaan ang paglapit sa lugar dahil posible pa raw lalaki ang guho.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply