SK, barangay elections gawin sa 2014

IPINANUKALA sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na sa 2014 na gawin ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) polls sa halip na sa Oktubre 2013.

Panukala ito ni Rep. Ben Evardone (Lone District, Eastern Samar), na isinasaad sa

House Bill 5794, kung  saan ay  gaganapin sa  pinakahuling  Lunes ng  Mayo, 2014 at kada bawat apat na taon sa mga sumusunod pagkakataon.

“Considering the vital role of the Barangay and SK officials in the government’s endeavor to provide the people an improved quality of life, it is beyond cavil that the Barangay and SK elections must be insulated from partisan politics,” ani Evardone.

Isa ring kahalintulad na panukala ang isinalang ni Rep. Rachel Marguerite Del Mar (1st District, Cebu City), House Bill 5750 hinggil sa pagpapaliban ng nasabing eleksyon sa huling Lunes ng October 2014.

Ikinatwrian ni Del Mar na masyadong marami ang isusulat sa balota sa pagboto kung isasabay ang congressional at local congressonal  elections.

“But resetting their elections to the last Monday of October 2014 as proposed will extend their terms to a more reasonable period of only a year. Thereafter, subsequent elections shall be held every three years,” giiit ni Del Mar.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply