Soccer game sa Egypt nagkagulo: 73 patay, 1,000 sugatan

UMABOT sa 73 katao ang nasawi habang 1,000 ang sugatan kabilang na ang 150 na kritikal makaraang magkaroon ng stampede nang mauwi sa riot ng mga football fans ang katatapos na soccer game sa Port City sa Egypt, umaga ng Huwebes, Pebrero 2 (PHL time).

Ayon sa mga opisyal sa ulat sa CNN, sa mismong football stadium nangyari ang riot matapos ideklarang panalo ang team ng Al-Masry kontra sa Al-Ahly team sa score na 3-1.

Sinasabing nagkagulo ang mga fans ng dalawang football team kung saan nagbatuhan ang mga ito ng mga upuan at bato.

“It is the biggest disaster in the country’s football history. This is unfortunate and deeply saddening,” pahayag ni Egyptian deputy health minister Hesham Sheiha.

Kasalukuyan pang biniberipika ng pulisya kung may bahid pulitika ang pagsiklab ng riot.

Sinasabi sa isang pag-aaral na noong kasagsagan ng rebolusyon sa Ehipto laban sa napatalsik na si President Hosni Mubarak ay nagsimulang lumakas ang puwersa ng well-organized groups ng soccer fans para sa political change.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply