Solo parents law amiyendahan – DSWD

INIREKOMENDA ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pag-aamiyenda sa 11-taong gulang na batas para mas  mapakinabangan ng solo parents.

Isinumite ni DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman ang rekomendasyon sa pamamagitan ng isang position paper kay Rep. Emilio Abaya, chairman ng House of Representatives appropriations committee.

“Since solo parents are part of the disadvantaged sector that DSWD serves and protects, it is also our responsibility to support legislative measures, which will help improve their lives,” pahayag pa ni Soliman.

Sinabi rin ni Soliman ang kanilang pagsuporta para sa substitute bill para mapagaan ang financial burden na dala ng solo parents para sa kanilang mga anak.

Kabilang sa mga amiyendang sinusuportahan ng DSWD ay mapababa ang waiting period mula isang taon hanggang anim na buwan bago payagan ang isang solo parent na makuha ang benepisyo bilang single parent.

Isama sa isang probisyon na naglilinaw sa kategorya ng kahit sinong indibidwal na solo na nagkakasa ng parental care at suporta sa isang bata o mga bata, na  mayroong pagpapatunay na sila ang legal guardian, adoptive parent o licensed foster family.

Isama rin sa isang probisyon para sa pag-iisyu ng identification card sa isang solo parent sa batas para makakuha sila ng  benepisyo.

Sa ilalim ng Republic Act 8972, ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000, ang isang misis o mister na inabandona ng kanilang kabiyak ay maghihintay muna ng isang  taon bago mapagkalooban ng solo parents identification card.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply