Solon ginawang sinehan ang impeachment court

HALOS gawing sinehan ng isang mambabatas ang impeachment court dahil imbes na dumalo para makinig at manood ay wala itong inatupag kundi ang ngumuya nang ngumuya dala-dala ang kanyang baong kutkutin at sa huli ay inom nang inom ng kanyang sariling dalang juice.

Batay sa nasaksihan mismo ng matang kuwago ng Remate, sinita at pinagbawalan na nga ang naturang mambabatas subalit binalewala niya ito at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Imbes na sumunod ay nagmatigas ito na dalhin at iladlad sa publiko ang dala-dala niyang juice na may tatak pa at ikinatwiran na baka mauhaw siya.

Ipinunto ng mga sumita sa kanya na mayroon silang ibinibigay na mineral water sa mga tao sa loob ng impeachment court subalit nagmatigas pa rin ang solon.

Hindi pa nga nakuntento ang solon na ito sa kanyang katigasan ng ulo at ipinatong pa ito sa ibabaw ng lamesa at ininggit pa ang ibang tao at mambabatas sa loob ng impeachment court sa kanyang nagawang pagdadala ng sariling inumin.

Gamitin ba naman ang pagiging mambubutas… este…mambabatas.

Hindi lang ito ang unang beses na ginamit ng mam­babatas na ito ang kanyang kayabangan kundi maging sa pagsusuot ng ID sa loob ng impeachment court ay hindi rin niya ginagawa.

Minsan nga nahihiya na ang mga sumisita sa kanya dahil alam naman nilang may pinag-aralan ang naturang mambabatas na isa pang abogado.

Madali siyang makilala dahil mayroon silang pag-aari na madalas sakyan ng mga kababayan na­ting Ilokano.

Kung hindi ninyo pa siya kilala, heto pa ang clue: May letrang F sa kabuuan ng kanyang pangalan as in favorite na lambingin ng mga kapwa niya mambabatas sa lower house dahil sa kanyang pagtatampo at pagmamaktol na halos gusto na yatang mag-walkout.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply