Manyakis huli sa akto ng tangkang panggagahasa

KALABOSO ang isang lalaki matapos mahuli sa akto ng tangkang panggagahasa sa isang special child kahapon (Pebrero 26) sa Cagayan de Oro.

Nabatid sa report na kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na si Juniver Bactong ng Brgy. Macasandig ng nasabi ring siyudad.

Pilit umanong kinukuha ng suspek ang biktimang may diperensya sa pag-iisip para sa kanyang masamang balak ngunit naagapan ito ng mga kapatid at kaanak ng bata.

Agad na nailigtas ang biktima habang pinatulungan namang gulpihin ng kaanak ng biktima ang suspek dahil sa kanyang masamang pakay.

Isinumite na sa Women’s and Children’s Protection ang kaso upang masampahan ng kaukulang parusa si Bactong. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply