Special court para sa ari-arian ng namatay

HILING ng isang mambabatas na magtalaga ng partikular na Regional Trial Court na magsisilbing special court na tututok sa lahat ng kasong may kinalaman sa kayamanan at ari-arian ng isang namatay para maisaayos agad.

Sa House Bill No. 5705 o “An Act Establishing Estate Settlement Courts” ay mabibigyan ng esklusibong hurisdiksyon ang pamilya ng mga may hahabuling ari-arian o nag-aayos ng papeles para agad na matutukan ang pag-aayos sa mga kaso.

Ang nasabing panukala ay tututukan  lamang ng isang sangay ng RTC.

Layunin din ng HB 5705 na amiyendahan ang Batas Pambansa 129, na kilala sa Act Recognizing the Judiciary” na isinabatas noong Agosto 14, 1981.

Ayon kay Rep. Arthur Defensor Jr., 3rd District, Iloilo, layunin din ng panukala na mapadali ang pag-release ng ari-arian sa komersyo para sa pagnenegosyo, makapagbibigay ng trabaho at makatutulong sa paglago ng ekonomiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply