Special election sa Zambales nagkagulo; 1 patay, 10 sugatan

NASAWI ang isa habang 10 ang nasugatan makaraang manggulo ang isang grupo sa idinaos na special elections sa Barangay Mambog, Zambales.

Nabatid na isang concerned citizen ang tumawag sa mga awtoridad dahil sa panggugulo at pangha-harass umano ng isang grupo ng kalalakihan.

Dahil dito, bumuo ng quick response team ang pulisya katuwang ang provincial intelligence branch para puntahan ang naturang barangay.

Nang magpakilala ang mga pulis at sitahin ang mga lalaking lulan ng mga sasakyan, bigla umanong may bumunot at nagpaputok ng baril dahilan upang gumanti ang mga pulis kung saan isa ang nasawi.

Patuloy na iniimbestigahan ang nasabing insidente gayundin ang pagkakilanlan ng mga biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply