Special en banc session ipinatawag ng SC

NAGPATAWAG ng special en banc sessionang Supreme Court (SC) para talakayin ang pagpapalabas ng subpoena laban sa mga mahistrado ng kataastaasang hukuman sa Huwebes.

Ani SC spokesman Jose Midas Marquez, bagamat sinimulan na ng justices ang pagtalakay sa isyu ay hindi iyon naresolba kaya kanila na lang ipagpapatuloy sa nabanggit na petsa.

Dagdag ni Marquez, kailangan na ng SC na maresolba ang isyu dahil anumang oras ay maaari nang maglabas ng subpoena ang Senado bilang impeachment court.

Ang special en banc session ay pamumunuan ni Associate Justice Antonio Carpio.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply