Station manager ng Dyrx binugbog sa istasyon

MISYON AKSYON,
Sana matulungan po ninyo ako sa aking masaklap na sinapit sa kamay ng kapulisan at pulitko sa bayan namin. Ako po ay isang station manager ng DYRX 107.2 sa bayan ng Toledo, Cebu .

Nag-ugat po ang pananakot sa akin nang may isang babaeng menor de edad na naging panauhin namin sa programa kasabay ng aming Christmass Party at launching ng mga Muse sa isang beach resort.

Galit na sumugod ang isang negosyante na si Alvin Gerenco sa aming okasyon at hinanap ang isang Jeanette at tinanong kung sino ang station manager at agad namang sinagot na nakaalis na.

Sa galit ng suspek, nagwala ito at kung ano-anong masasakit na salita at pagbabanta ang binitiwan  sabay  sapak  sa akin (Henry  Ybañez) na duguang bumagsak bago ako iniwan. Kasama ni Gerencio ang kanyang mga bodyguard na armado ng matataas na kalibre ng baril.

Makaraan ang ilang araw, muling sumugod sa aking station booth si Gerencio habang nagpoprograma ako. Kasama ng mga armadong tauhan, muling nagwala  si Gerencio at muli na naman akong sinaktan kaya nang  makakuha ako ng pagkakataon ay agad akong tumawag sa  pulisya. Ngunit  nagulat  ako dahil sa halip na arestuhin ang mga suspek, ako ang pa dinampot.

Ganito nap o ba ang hustisya sa atin? Sana po matulugan ako ng National Press Club (NPC) at ibang sangay na tumutulong sa mga inaaping mamamahayag na makamit ang  katarungan.

Gumagalang,
Mr.  Reher Ybanez
Station Manager

Paging, Toledo, Cebu Mayor  Rudy Hernandez at Toledo  Chief  of  Police  Supt. Julian  Ceballos Entoma.

Sir, mukhang hindi   maganda ang inyong pagtrato sa mga  mamamahayag  diyan, palibhasa  kaibigan ninyo ang sangkot. Kaya maging ang kapulisan ay hindi pantay ang pagpatupad  ng batas. Tama po ang sumbong sa Misyon Aksyon..

Aba, mag-isip-isip kayo. Ang katarungan ang dapat mangingibabaw hindi kasamaan.

Bakit malaki ba ang iyung utang  na loob kaya pikit mata  ka na lang na sumusunod sa maling sumbong?

NPC Pres. Jerry Yap at   AFIMA Pres. Benny Antiporda,  mga sir, baka puwedeng pakialaman n’yo na ito.

Alam ko na  diyan  kayo galit  pag  inaapi ang mga  kabaro natin.

Pakitulungan naman ang  biktima sa ‘di makatarungan ginawa sa sa kanya sa Toledo City.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply