Subpoena sa bank accounts ipinababasura ng depensa

NAGHAIN ngayon ang Defense panel ng mosyon upang baligtarin ng impeachment court ang nauna nilang desisyon na i-subpoena ang mga bank account ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa ihinaing mosyon ng depensa, ipinababasura nila ang subpoena na ipinag-utos ng impeachment court para sa bank records ng punong mahistrado sa Philippine Savings Bank (PSBank) at Bank of the Philippine Island (BPI).

Ayon sa depensa, sakop ng paragraph 2.4 ng article 2 o kaugnay ng umano’y tagong yaman ni Corona ang mga bank record nito na una nang hindi pinahintulutan ng impeachment court na talakayin dahil sa wala ito sa walong inihaing reklamo laban sa punong mahistrado.

Iginit din ng depensa na walang kapangyarihan ang korte na i-subpoena ang mga dollar account ni Corona na umano ay confidential batay sa Sec. 8 ng RA No. 6426.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply