Subpoena sa PAL officials sinopla ni Corona

SINOPLA ni Chief Justice Renato Corona sa pamamagitan ng kanyang abogado ang kahilingan ng House prosecution panel na ipatawag ang mga opisyal ng Philippine Airlines (PAL) upang tumestigo sa pribilehiyo na ibinigay dito.

Ayon kay dating Associate Justice Serafin Cuevas, lead defense lawyer ni Corona, walang kinalaman ang testimonya ng PAL executives sa Article II ng Verified Complaint dahil walang binanggit dito ukol sa PAL Platinum Cards ng mag-asawang Corona.

“Nowhere in the language of Article II of the Impeachment Complaint make any mention of a PAL Platinum Card in the name of CJ Corona or his wife, their patronage of Philippine Airlines, any act or circumstances to the procurement of the said card, or any benefits or privileges that Chief Justice and Mrs. Corona obtained from it,” ayon kay Atty. Jose Roy III sa mosyon.

Dagdag pa ni Roy: “The only reference to the Philippine Air Lines deals with the alleged flip-flopping decision of the Supreme Court in the FASAP Case, allegedly on account of letters written by Estelito Mendoza to the Supreme Court.”

Naghain ang House prosecution panel na ipatawag sina Enrique Javier, vice president for Sales ng PAL at Ria Carrion Domingo, vice president ng Product Loyalty Marketing ng PAL upang tumestigo hinggil sa pagbiyahe ng mag-asawang Corona.

Sinabi rin ni Roy, na walang kinalaman o koneksiyon ang Platinum Cards sa reklamo ng Mababang Kapulungan na nakatala sa Article II ng Verified Complaint.

“The subpoena seeks to introduce testimony and documents regarding Platinum Cards allegedly issued to Chief Justice and Mrs. Corona, matter which have surfaced for the very first time in this case,” paliwanag ng depensa.

Tinukoy pa ni Roy na walang relasyon ang Platinum Cards sa inirereklamo ng prosekusyon hinggil sa pagmamalabis ni Corona hinggil sa binagong desisyon sa kaso ng FASAP dahil nag-inhibit siya simula pa noong 2008.

Ayon pa kay Roy, kapag pinayagan ang mga complainant na maglabas ng ebidensiya ay masasayang lamang ang oras ng impeachment court. Ito rin aniya ay upang ipahiya lamang ang punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply