Subpoena vs SC justices ibinasura ng Senado

IBINASURA ng Senado ang kahilingan ng prosekusyon na tumestigo sa impeachment court ang Supreme Court Associate Justices.

Binigyang diin sa desisyon ng impeachment court ang basehan ng pagbasura ay ang “confidentiality of executive sessions” at ang “separation of powers.”

Naunang hiniling ng prosekusyon sa impeachment court na isubpoena sina Supreme Court Associate Justices Martin Villarama, Maria Lourdes Sereno, Presbitero Velasco at Bienvenido B. Reyes.

Ito ay kaugnay sa Article 3 ng Article of Impeachment na nag-aakusa kay Corona ng betrayal of public trust dahil sa “flip-flopping” decisions” gaya sa kaso ng Philippine Airlines at Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines (FASAP).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply