Success’ Secret Formula?

BAWAT isa ay nangangarap na balang araw ay maging matagumpay at makilala sa kanya-kanyang larangan na kanilang nililinang. May mga nagtatagumpay, subalit may ilan di namang nalulugmok sa pagkabigo. Mayroon nga bang sikretong paraan ang tagumpay, na maaari nating maging gabay?

Sa bansang Singapore ay nakilala ko ang isang Pilipina, na kinikilala ngayon bilang isa sa matatagumpay na mang-aawit sa ibayong dagat. Sa kanyang malamyos na tinig ay sino nga ba ang hindi hahanga at titingala sa bituing ito. Siya si Pamela Pilapil na kilala ngayon bilang ‘Pamela Wildheart’

Tubong Cebu si Pamela, doon siya lumaki at nag-aral hanggang sa makatapos ng kolehiyo sa University of the Philippines- Cebu Campus. Bata pa lamang siya ay pangarap na niyang makapagtanghal hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa buong Asya.

Niloob ng Maykapal na makarating at maiparinig ni Pamela ang kanyang tinig sa iba’t ibang bansa, gaya ng Malaysia, Thailand, Indonesia at iba pang mga bansa.

Sa mga bansang ito ay nakilala niya ang iba’t ibang kultura na kanyang nasaksihan at nakasalamuha rin niya ang iba’t ibang tao, na nakatulong sa kanya upang mas mapalawak ang kanyang kaalaman.

“I realized every culture has a story to tell, They have a different style of appreciating your music, different taste, and different attitude towards the artist.” Aniya.

Bagama’t sa umpisa ay medyo mahirap sapagkat napakaraming bagay ang kailangang matutuhan sa pamumuhay sa ibang bansa, ay hinarap at tinanggap ito ni Pamela bilang isang hamon na ang naging bunga ay kaalaman na nagagamit niya ngayon sa kanyang career.

“I have to be thankful to Japanese bosses I have at that time, because I can speak Japanese now. And it’s very useful in my life.” Dagdag pang kwento niya.

Sa kasalukuyan ay nakagawa na siya ng isang serye ng Japanese program sa radio, kung saan nagamit niya ang kanyang kaalaman sa wikang hapon. Isa rin siya sa mga nagmamanage ng NKC radio sa Singapore kung saan naipapakita niya ang kanyang husay at galing.

Nang magsimula siyang magtrabaho sa nasabing bansa ay higit na hamon ang naramdaman niya sapagkat isang responsibilidad para sa kanya ang mapatunayan ang galing ng mga Pinoy.

“When I worked running a radio station that was one of my main job in the beginning of my career I have to prove myself triple wise, number one- as a talented person in radio, number two as a Filipina okay number three that I am really excellent  beyond anybody else. So I have to work very hard.” Saad niya.

Mayroon ring album si Pamela kung saan maaaring pakinggan ang mga awitin na siya mismo ang nag-compose at marami rin siyang mga parangal na natanggap bilang isang mang-aawit. Isa rin siyang lecturer sa National University of Singapore.

Nagtatrabaho rin siya sa ilang world class parks doon bilang isang advertising consultant. Nakapagsulat na rin si Pamela ng kanyang sariling libro na may pamagat na ‘Showhost your way to Success’.

Sa dami ng career na kanyang pinasok ay maituturing na ngang isa sa matatagumpay na Pinoy si Pamela Wildheart, kaya’t akin siyang tinanong kung ano ba ang sikreto ng tagumpay na kanyang tinatamasa.

Subalit ayon sa kanya ay walang sikreto ang tagumpay- ang kailangan lamang ay ang mga elementong gaya ng dedikasyon at patuloy na pagkatuto mula sa mga karanasan at ang pagbibigay ng buong husay at galing kahit pa ano ang propesyong iyong pasukin.Maging ito ay maataas o mababang trabaho.

“Success is really in the mind, It’s not just because of money, it’s about the feeling that you have done something” sabi niya.

“Success can be achieved by anyone; it doesn’t have secret formula-just elements.”

‘Yan ang aking natutuhan sa minsan kong pakikipanayam kay Pamela Wildheart, isang matagumpay na Pinay sa Singapore.

*******

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Biyaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi.

Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LANGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply