‘Summer’ ramdam na

KINUMPIRMA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration-Department of Science and Technology (PAGASA-DOST) na malapit nang dumating ang tag-araw o dry season.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Aldzar Aurelio, mayroon nang mga senyales ng epekto ng mas mainit na panahon.

Humihina na rin umano ang hanging amihan dahilan sa pag-init ng hangin bukod pa sa umiksi na ang oras ng gabi.

Aniya, kadalasang nagsisimula ang dry season sa pagitan ng huling linggo ng Pebrero at unang linggo ng Marso.

Gayunman, hindi pa masabi ng PAGASA kung kailan ang opisyal na pagsisimula ng dry season.

Aniya, may iba pang mga senyales na pinag-aaralan ang PAGASA bago nila maideklarang tag-araw na nga.

Naitala noong Biyernes ang pinakamainit na temperatura sa Subic na umabot sa 35 degrees celcius.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply